Sa Tingin Nyo, Sino Ang Dapat Pasalamatan Sa Paglinis Ng Manila Bay?

Isang napakagandang tanawin ang makitang malinis ng muli ang Manila Bay. Dagsa ang mga pamilya tuwing Sabado’t Linggo upang maligo at magsaya sa isa sa mga tanawing kailan lamang ay puno ng basura at putik. Ngunit sino nga ba ang dapat purihin sa panunumbalik ng kalinisan ng Manila Bay? Ang administrasyong Duterte ba? O ang ang walang sawang paglilinis ng mga volunteer para masagip ang isa sa magagandang tanawin sa Maynila?

Disiplina

Ang pangunahing dahilan kung bakit nasadlak sa tila walang kasagutang kundisyon ang Manila Bay ay dahil na rin sa mga residente ng siyudad ng Maynila. Kakulangan sa disiplina, walang habas na pagtatapon ng mga basura, at tila walang pakialam sa maaaring maging kundisyon ng Manila Bay.

Ilang dekada rin nating hinayaang maging marumi ang Manila Bay. Bagama’t taon taon ay may clean-up na nagaganap, hindi ito sapat sa kadahilanang pagkatapos ng paglilinis, ay patuloy din naman ang walang habas na pagtatapon sa lugar. Ito ay nagiging walang katapusang pag-ikot lamang, linis-tapon, tapon-linis.

Pagbabago

Ngunit magmula ng maupo ang pangulong Duterte, isa sa mga pangunahing adbokasiya na pilit itinuturo ng administrasyon ay ang disiplina. Ang pagkakaroon ng pananagutan, hindi lamang sa ating sarili kundi pati sa ating kapaligiran.

Mula sa paglilinis ng Boracay, naging inspirasyon ito upang maging mas paigtingin pa ang paglilinis sa Manila Bay, mas maraming volunteers ang sumali para lubos na malinis ang Bay, at naging responsable rin ang mga tao sa pagtapon ng kanilang mga basura sa lugar.

Bunga Ng Paghihirap

Sa isang video na ibinahagi ng Pilipino Star Ngayon, isang malinis at maayos na Manila Bay ang magigisnan. Sa puntong ito ay hindi na mahalaga kung si Duterte ba ang siyang dahilan ng pagkalinis nito, ang mahalaga ay nanumbalik na sa dating kariktan ang lugar, at marami sa ating kapwa pilipino ang ngayon ay nagtatampisaw sa malinis na mga tubig nito.

Sa puntong ito, dapat nating isantabi ang pulitika, at pasalamatan ang lahat ng tumulong para manumbalik ang Manila Bay sa dati nitong ganda.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think