NEWS: Sa Paglala Ng Tigdas Outbreak, Banat Ni Hontiveros Kay Acosta: “I call in Acosta: resign your post”

Nauna nang napabalita ang pag-anunsiyo ng measles outbreak sa iilang rehiyon sa buong bansa. Kasunod nito ay ang balita na karamihan sa mga nam4t4y sa tigdas ay mga batang walang bakuna para sa nasabing sakit. 

Tigdas Outbreak 

Pahayag ni Department of Health Sec. Duque na ito ay bunsod ng kapabayaan ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta ukol sa Dengvaxia. Aniya ay may kinalaman sa outbreak si Acosta dahil sa diumano takot na nabuo nito sa mga tao dahilan para hindi pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga center. Mahigit 500 porsyento ang itinaas ng mga nagkaroon ng tigdas kumpara noong nakaraang taon. Matatandaang ang Dengvaxia ay nagmula sa gobyerno na syang itinurok sa mga batang edad 8 pataas. 

Banat Ni Senator Hontiveros 

Ngayon naman, binanatan ni Risa Hontiveros ang PAO chief at sinabihan itong magbitiw na sa kanyang pwesto. Sa pamamagitan ng social media account nito, ipinahayag nito ang kanyang saloobin ukol sa isyu, 

“Her lies and hysterics contributed directly to the erosion of public trust in our vaccination programs. And because of this, 55 children have lost their lives to measles, and an outbreak now threatens four regions of our country.” 

Resign Na!

Heto ang isa pang malaking hamon ng senador kay Acosta, 

“I call in Acosta: resign your post. An important agency like the Public Attorney’s Office (PAO) cannot be left in the hands of a person with such a track record of lies, negligence, and hyper-partisanship.” 

Dalangin pa ng senadora, 

“Ang aking dalangin, sana naman, wala nang bata o kahit sino pa ang magkasakit, masaktan o mabawian ng buhay dahil sa kasinungalingan ng iilan.” 

Ayon sa report ng DOH nasa mahigit 1,500 na ang naitalang dinapuan ng tigdas at 55 kaso ang nam4t4y.

Batikos 

Binatikos naman ng mga netizen si Hontiveros sa pahayag nito. Marami ang nagtanggol kay PAO Chief Acosta at hangad lamang ng abogado ay ang hustisya para sa mga biktima ng Dengvaxia. Ang mas responsable diumano na ahensya ay ang DOH dahil sila ang nakatalaga sa pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan.

Ganunpaman, nakakalungkot isipin na mga bata at walang muwang ang nadadamay sa mga problema at mga kontrobersiya sa pulitika. 

Ito naman ang komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think