LOOK: Picture ng suspek na brutal na pumatay kay Christine Silawan, inilabas na ng PNP

Inilabas na rin sa wakas ng Philippine National Police ang mukha ng suspek na pinaghahanap pa rin sa brutal na paggahasa, pagpatay at pagbalat sa mukha ng isang 16 anyos na babae sa Lapu Lapu City, Cebu.

Kinilala ang suspek na si Jonas Bueno. Ito ang itinuturing na primary suspect na pumatay sa dalagita.

Wala pang dagdag detalye kung anong relasyon ng suspek sa biktima.

Ngunit ayon sa ulat, tiyak na kakilala lang umano ito ng biktima dahil nga sa mga mensahe na nakita ng mga pulis na may kausap na isang lalaki ang dalaga.

Tingnan ang laraan ng suspek:

May pabuya na 2 milyon kung sino man ang makakapagturo o bigay ng impormasyon sa salarin.

Sa huling ulat ng pulisya, natukoy na ang tatlong mga suspek sa krimen ngunit tumanggi ang mga ito na magbigay ng karagdagang detalye.

Ibinulgar ng Medico Legal Officer na sumuri sa namatay na dalagita sa Lapu-Lapu city na hindi lamang ito basta binalatan ng mukha. Kundi
nawawala ang ilang internal organ ng biktima tulad ng dila, esophagus at trachea.

Sa ngayon ay tinutugis pa nng mga kapulisan ang pangunahing suspek at dalawang hinihinalang kasabwat sa naging krimen.

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think