LOOK: Pagdukot Ng Puting Van Sa 17-anyos Na Dalaga Sa Cavite, Fake News!

Kamakailan lang ay nagimbal ang mga netizen sa nag-viral na dalagang diumano kinidnap ng mga nangunguna ng mga bata at kadalagahan. Marami ang natakot sa balita at naging alerto partikular na sa bayan sa Cavite.

Babaeng Dinukot 

Sa pinaka-latest na balita mula sa kapulisan, isang kasinungalingan lamang ang lahat. Nakarating na sa mga pulis ang ukol sa dalaga at nagkaroon ng beripikasyon ukol sa insidente. Ang istorya ng dalaga ay imbento lamang diumano ng 17-anyos na dalaga dahil hindi umano binibigay ng kanyang mga magulang ang mga luho nito. Taliwas ito sa una nitong pahayag na nadukot ito sa Trece Martires, Cavite at nakarating sa Amadeo nang mahimasmasan ito. Nakapag-chat pa ito na nanghihingi ng tulong sa kanyang boyfriend, mga kaibigan at kapatid. 

Ayon pa sa dalaga, dinukot ito ng puting van at sinwerte na makapagtago at makatakas. 

Taliwas Sa Imbestigasyon 

Mula sa balita ng News5, nakauwi na ang dalaga sa kanyang pamilya. Inamin umano ng dalaga na sya mismo ang gumawa ng insidente at siya na din mismo ang sumugat sa kanyang katawan. Dahilan ng dalaga, lagi itong pinapagalitan ng kanyang mga magulang at hindi ito binibigyan ng mga nais niyang luho. 

Imbestigasyon Sa Mga Kaibigan 

Napag-alaman din ng kapulisan na matagal na itong hindi pumapasok sa eskwelahan kahit pa man araw araw itong umaalis ng bahay at nakasuot pa ng uniporme. Sumasama aniya ito sa kanyang mga barkada. Sa isinagawang pag-iimbestiga ng Trece police, salungat ang mga pahayag ng mga kaibigan nito sa kwento ng dalaga. 

Sa ngayon ay sumasailalim ang dalaga at ang kanyang mga magulang sa isang counselling mula sa women’s and children protection. 

Fake News 

Pagkastigo naman ang inabot ng dalaga mula sa mga netizen na noon ay lubos ang pag-aalala sa dalaga noong nag-viral ang kwento nito. Marami ang natakot at nadismaya rito. Ganunpaman, marami ang di makapaniwala sa fake news na ito. 

Paalala ng kapulisan, igalang at irespeto ang mga magulang. Walang mga magulang ang naghahangad na mapasama ang kanilang mga anak. 

Ang pagiging magulang ay isang napakalaking responsiblidad. Sa kabila ng kahirapan ay pinipilit pa din nila na maitaguyod at ibigay ang pangangailangan ng bawat anak. Karapat-dapat silang mahalin, igalang, at irespeto. 

Panoorin ang video:

SOURCE: Youtube

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think