LOOK: Oblation Run Sa UP, Inulan Ng Batikos Mula Sa Netizens!

Kahapon ay ginanap ang taunang oblation run na ginagawa ng isang kilalang fraternity sa UP, ang Alpha Phi Omega o APO. Ang mga miyembrong lalaki ay tumatakbong nakahubo, paraan ng kanilang pagpapahiwatig ng kanilang adhikain.

Oblation Run 

Nasaksihan ng News 5 ang pagtakbo ng mga estudyanteng lalaki sa UP. Nakamaskara ang mga ito at may hawak na karatula ngunit walang nakasulat. Sa huli ay nagsama-sama sila sa oblation, at sumenyas ng pananahimik. 

Kinastigo naman ng mga netizen ang naging aktibidad sa UP. Ayon sa kanila ay minabuti na lamang sana ng mga ito na tumulong sa paglilinis ng Manila Bay at iba pang karatig lugar. Pag-giit ng mga ito, tila wala naman nangyayari sa pagtakbo ng mga ito nang nakahubo. Noon pa man ay wala naman umano naitulong ang APO sa bansa. 

Hiling nila ay sana mas tumulong na lamang ito sa mga magagandang adhikain ng gobyerno yaman din lamang na ito ang nagpapa-aral sa mga ito. Nang sa gayon, mas maging kalugod-lugod para sa marami ang kanilang mga aktibidad.

Oblation 

Ang oblation ang kumakatawan sa istatwa ng isang nakahubong lalaki sa UP na sumisimbolo sa walang pag-iimbot na pagbibigay ng buong sarili para sa bayan. Ginaganap ang oblation run bilang protesta sa mga kasalukuyang mga isyu na kinakaharap ng bansa. 

Mas Makabuluhang Bagay 

Pahayag ng ibang netizen, sana ay sa mas makabuluhang bagay nalang itinuon ng fraternity ang kanilang aktibidad, nang sa gayon ay may naitulong pa sila sa bayan. Kinastigo din ang kanilang hayagang pagtakbo ng nakahubo ngunit anila ay walang lakas ng loob na ipakita ang kanilang mukha. Naging tampulan din ng biro ang mga pisikal na kaanyuan ng mga ito. 

Malayang Pamamahayag 

Bagamat kaliwa at kanan ang batikos sa katatapos lang na oblation run, marami rin ang nagtanggol sa mga ito. Anila ay isa itong pamamaraan ng freedom of expression ng mga estudyante ng UP at miyembro ng APO. 

Ang oblation run na ginaganap taon taon ay may malaking pagpapahalaga para sa mga isko at iska. Isa itong paraan ng pagpapakita ng lubos na pagmamahal sa bayan at sa katotohanan at pagiging malaya sa kahit anong impluwensiya. 

Ito ang ilan sa mga komento ng mga Netizen na bumatikos sa kanila.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think