LOOK: Mga Motor Riders, Nagsagawa ng Malawakang Protesta

5

PNagprotesta ang mga motorcycle riders sa Whiteplains ngayong araw matapos ang pagkakatalaga ng “Doble Plaka” bill na syang authored nina Senator Dick Gordon at Senator Tito Sotto III. Napirmahan na ng pangulong Duterte ang batas noong March 8.

Protesta 

Ngayong araw ay nagkaron ng malawakang protesta ang mga motor riders laban sa dalawang senador. Ang sinasabing Anti-crime bill ay tila nakasakit sa reputasyon ng mga motor riders. Hindi nagustuhan ng mga ito ang pagpapatupad ng doble plaka na naka-A4 size pa na tila malaki para sa standard plates. Ito ay bunsod na paggamit ng mga krimin4l ng motor para sa pagsasagawa ng kriMeN.

Viral Video 

Sa video na inupload ng isang netizen na si Leo  Pacis Fronda IV ay makikita ang pagsasama-sama ng mga motor riders na magkaisa para sa pagsulong ng kanilang karapatan. Nagsalita ang mga motor rider leaders ng iba’t ibang grupo. Anila, mawawalan ng suporta ang mga senador na sina Gordon at Sotto III. 

Pinag-initan 

Tila napag-iinitan umano ang mga motor riders dahil sa bagong batas. Giit nila, hindi sila kRimiN4L. Hindi solusyon ang double plate upang masolusyunan ang mga kriMeN. Ayon sa mga ito, police visibility ang dapat na maging solusyon. Hindi magkakaroon umano ng lakas loob ang mga masaamang loob na gumawa ng masama kung bawat kanto ay may  makikitang pulis. Dagdag pa aniya ay nakakatulong din ang mga motor riders sa paghuli ng mga kriMiN4L.

Sentimyento 

Dagdag pa sa mga sentimyento ng mga riders, mapagkakakitaan lang umano ng gobyerno ang double plate para sa mga motorcycle riders. Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ang mga plaka ng mga motor, at tila magdadagdag pa sila ng batas na makaka-degrade sa karapatan ng mga riders. Dagdag pa dito ay ang mabibigat na penalty na ipinataw sa mga lalabag sa nasabing batas. 

Aabot ng isandaang libong fine at pagkakakulong ang mahuhuling lalabag sa batas.

Pagkakaisa ng Riders

Nagkakaisa ang mga riders laban sa dalawang senador na nagsulong ng “Doble Plaka” bill o Republic Act 11235. Nakikita ito bilang diskriminasyon para sa mga motor riders. Madami ang apektado nito pati na din ang mga motor manufacturers. Anila ay hindi ito ligtas para sa kanila. 

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think