LOOK: Libo Libong Trabaho, Naghihintay Sa Mga Pinoy Sa Bansang Poland

Sa isang magandang kaganapan na hatid ng Bansang Poland para sa mga Pilipino, kamakailan ay binuksan nito ang kanilang pinto upang tanggapin ang mga Pinoy na gustong magtrabaho sa kanilang bansa. Libong libong manggagawa ang kanilang kinakailangan tulad na lang sa industriya ng Manufacturing at Information Technology.

Pagkakataong Umasenso

Ayon sa Philippine Association Of Service Exporters, Inc. o PASEI, dahil na rin sa magandang rekord ng mga Pilipino sa pagtatrabaho sa ibang bansa, buong pusong binuksan ng bansang Poland ang kanilang bansa upang maghatid ng libo-libong trabaho sa mga Pinoy na gustong magtrabaho dito.

Mga trabahong may kinalaman sa Manufacturing, Information Technology, at maging Fish And Meat Processing ang kasalukuyang kailangan ng bansang Poland. Hindi rin kailangan ng mahabang experience sapagkat ayon sa PASEI, tinatanggap nila maski walang experience sapagkat may training namang ginagawa ang mga ito.

Pagkakataong Mamuhay Sa Poland

Bukod sa trabahong ibinibigay, may oportunidad din ang mga manggagawa na manirahan dito kasama ang kanilang pamilya. Sinuman na nakapagtrabaho ng limang taon (5 years) sa isang kumpanya ay bibigyan ng pagkakataong mag-apply para sa “residency”.

Bagamat kailangan gastusan ng manggagawa ang pagproseso ng pagdala ng kanyang pamilya sa Poland, katulad ng pamasahe at paghanap ng matitirhan, ito ay lubos pa ring minumungkahi ng PASEI sapagkat libre ang edukasyon sa Poland, at libre din ang hospitalisasyon dito.

Hindi Lang Poland

Ang mas magandang balita ay hindi lamang ang bansang Poland ang nagbukas ng pinto para sa mga manggagawang Pilipino kundi ang ibang European countries din. Kasama dito ang Croatia pati na rin ang Czech Republic na marami ding nakaabang na trabaho para sa mga Pilipino.

Sa kabila ng magandang balitang ito, ang Philippine Overseas Employment Agency ay hindi pa rin nagkukulang sa pagbabala sa mga Pilipino ukol sa illegal recruitment. Ang kagawaran ng POEA ay lubos na pina-iingat ang mga gustong magtrabaho sa ibang bansa na siguraduhing i-check sa kanilang website ang mga job orders at ang mga agency na kanilang inaaplayan.

Panoorin ang Video:

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin tungkol dito.

SOURCE: Youtube

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think