LOOK: Aroganteng Banyaga, Nagsaboy ng Taho sa isang Pulis Na Nakaposte Sa MRT Boni Station!

Kamakailan lang ay ipinatupad sa MRT at LRT ang pagbabawal ng anumang likido sa loob ng tren. Bunsod ito ng mga pambobomba sa Mindanao na kung saan ay hinihinalang maaaring palaganapin sa Maynila, base sa mga threat na natatanggap ng gobyerno. Ayon sa balita, ang Rizal Day bombing na naganap sa LRT dalawang noong 2000 ay ginamitan ng likido na pampasabog kaya naman minabuting ipagbawal ito sa mga pasahero na sasakay sa tren. 

Nilabag Na Protocol

Ngayong araw ay nag-viral ang post ng isang netizen na si Pau Mesias ukol sa isang babaeng banyaga na lumabag sa bagong protocol sa tren. Ang insidente ay naganap sa MRT Boni station. Sa post nito, 

“Sinita ka dhil bawal n mga DRINKS or any form of liquid sa MRT. Isa kang dayuhan mam, hindi ka mrunong rumespeto sna mahuli ka at ikulong. Mhnap kita ggwin ko yn sau. Hnd ggnti sau c Sir kasi maximum tolerance pa din, ipinahiya m cia ng sobra.” 

Bagaman wala pang ispesipikong pagkakakilanlan ang inilalabas ukol sa dayuhan, hinala ng mga netizen ay itong itsik. 

Ipa-deport! 

Galit ang namayani sa mga netizen dahil sa ginawa ng aroganteng banyaga. Ang ginawa nitong pagtapon ng inumin sa pulis ay isang senyales ng kawalang respeto sa pagkatao nito, hindi lamang sa unipormeng suot nito at pagiging alagad ng batas. Sa kabila ng kasamaang ginawa ng babae ay maayos pa din na pinakiharapan ng pulis ang babae. 

Sigaw ng mga netizen, dapat na ikulong ang babae, i-deport at hiranging persona non grata sa ating bansa. Giit pa ng mga netizen, kapag ang isang Pilipino ay nasa ibang bansa, sumusunod ang mga ito sa mga batas ng bansang pinupuntahan. Ngunit, nakakalungkot anila isipin na mismo ang mga banyaga pa tulad ng babaeng nasa viral na litrato ang mas may lakas ng loob na dungisan ang uniporme at bigyan ng disrepeto ang isang alagad ng batas. 

Mahigpit Na Batas 

Hiling ng mga netizen, sana ay naiintindihan ng mga ito at ng bawat isa ang batas na pinapairal dahil hindi ito para sa kapakanan ng kung sino lamang bagkus ay para sa kaligtasan ng lahat. Hangad lamang nito ay ang mapabuti ang mga tao at hindi maging mitsa ang buhay ng mga inosente sa mga pamamaraan ng mga terorista sa bansa. 

Ito naman ang galit na komento ng mga kababayan natin tungkol dito.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think