LOOK: Ar0ganteng Pulis Na Las!ng, Walang Awang Itinapon Ang Paninda Ng Kawawang Bata

Isang makadurog pusong eksena ang nasaksihan ng mga netizen matapos magviral ang isang larawan ng isang batang tindero na namumulot ng kanyang panindang pagkain sa gitna ng kalsada. Ito ay sa kadahilanang isang pulis na diumano’y lasing ang nagalit sa bata dahil sa pagtitinda nito sa kalye at walang pusong itinapon ang mga paninda sa kalye.

Panira Sa Imahe Ng Kapulisan

Isa na namang bulok na itlog ang tila sisira pang lalo sa hindi na magandang imahe ng kapulisan dito sa bansa. Sa kabila ng kaliwa’t kanangbalita tungkol sa mga tiwaling pulis at mga ninja cops, isa namang lasing na pulis ang walang awang itinapon ang tinda ng isang binatilyo matapos niya itong sitahin at pagbawalang magtinda sa kalye.

Photo/Pinoy Trending Feed
Photo/Pinoy Trending Feed

Marami sa nakakita ng larawan ng bata habang pinupulot nito ang ilan pang pwedeng maisalba sa kanyang pagkaing itinitinda, at halos lahat ay nadurog ang puso. Marahil ay nagtitinda ang bata upang maitawid ang kanilang pang araw-araw na gastusin, at mabuti at napili nitong kumita ng marangal sa pamamagitan ng pagtitinda.

Photo/Pinoy Trending Feed

Bawal Magtinda Sa Bangketa

Karamihan sa mga lugar sa Maynila ay may mga ordinansa na nagbabawal magtinda o pumuwesto sa mga bangketa o sidewalk upang magtinda. Ngunit ang paglalako ng paninda, ay hindi ipinagbabawal.

Marami ang nagpatunay na ang bata ay hindi nakapwesto sa sidewalk ng siya ay sitahin, bagkus siya ay naglalako ng kanyang tinda. Ibig sabihin ay kanyang inilalakad ang kanyang paninda at hindi siya lumalabag sa anumang ordinansa.

Power Trip Si Pulis

Kung sakali man na may nilabag na ordinansa ang batang tindero, marami ang nagsasabi na hindi ito sapat na dahilan upang itapon ang paninda nito. Maaari na lang sanang pagsabihan ng pulis ang bata at paalisin sa pwesto nito at utusang ilako ang kanyang paninda.

Sa puntong ito ay tila umabuso na naman ang isang alagad ng batas, at pinairal na naman ang kanyang otoridad. Dapat ding tandaan ng kapulisan na sila ay sumumpa upang mangalaga sa kaligtasan at katahimikan ng sambayanan, kasama na dito ang respeto sa bawat tao, mahirap man o mayaman.

Ito naman ang galit na komento ng ilang Netizen.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think