Gabriela Women’s Party: Pagpatay sa Grade 9 student, ginagamit para itulak ang death penalty

Ayon sa Gabriela Women’s Party, baka ginagamit umano ang isyung brutal na pagpatay 16-anyos na estudyanteng babae sa Lapu-Lapu, Cebu, upang itulak ang pagpapatupad sa death penalty.

“We strongly condemn this monstrous act as we join calls for a thorough investigation so that justice may be attained. We are however wary that this death is now being used to push for the reimposition of the death penalty,” saad ng grupo.

Dahil dito, aasahan daw kampanya ng grupo para sa #LabananAngAbuso sa mga susunod na araw.

Hinihikayat din umano ng grupong Gabriela ang ilang citizen na magparehistro upang labanan ang pagaabuso o pambabastos sa mga kababaihan.

Matatandaang matapos ang malahayop na pagpatay sa isang 16-anyos na estudyanteng babae sa Lapu-Lapu, Cebu, naging trending ang hashtag na #YesToDeathPenalty.

Ayon sa balita, natagpuang walang saplot, may saksak at binalatan pa ang mukha ni Christine Lee Silawan, Grade 9 student ng Maribago National High School, at residente ng Barangay Mactan sa Lapu-Lapu City.

****

Source: Abante

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think