DICT – Mga nagpapakalat ng video scandal ni Paredes, posibleng managot

May paalala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Miyerkules kaugnay sa kumakalat na video scandal ni Jim Paredes dahil pwede umanong mananagot sa batas ang mga magsha-share ng video.

Ayon sa panayam ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr., maaaring makasuhan ang sinumang magkakalat ng sex video dahil pasok daw ito sa anti-cyber crime law ang pagpakalat o pag-share sa video.

“Yes, yes, yung mag-share. Nasa cybercrime law, di ba nga kung mag-like ka lang eh, minsan may liability ka na rin?”

“Do not share anything na talagang, that is you know a private, ‘no? Na… common sense lang na hindi dapat i-share…because of the cybercrime law,” dagdag niya.

Nitong Lunes, kumalat sa social media ang video scandal Apo Hiking Society member at masigasig na kritiko ng administrasyon na si Jim Paredes.

Pinagpyestahan sa social media ang video at may samu’t saring memes na naglipana rito.

Saad ni Rio sa publiko na maging maingat at huwag balewalain ang batas.

“Ignorance of that law, pag di mo alam na mayroon pa lang punishment na mag-like lang o mag-share, does not excuse you, ikaw ay mahuhuli diyan,” saad ni Rio.

Saad ng Philippine National Police na handa rin silang tumulong at magsagawa ng imbestigasyon kung hihilingin nito.

Samantala, itinanggi muna ni Paredes ang video at tinawag itong ‘fake’. Ngunit kinabukasan matapos itong mag-viral ay binawi niya ang naunang pahayag at inamin na siya ang nasa video.

Humingi ng paumanhin si Paredes at aniya, “it was private, and not meant for public consumption.”

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think